Tuesday, September 28, 2004

Kung Kailangan Man ng Inspirasyon Sa Pagsulat ng Kanta

Harana.

Tubig kang sinalok sa mga palad.
Bago pa kita mahawakan,
Nakabalik ka na sa laot.

Hangin kang lumakad.
Bago pa kita masundan,
Nakabalik ka na sa langit.

Lupa kang nabibilad.
Bago pa kita mataniman,
Nagbalik na sa iyo ang lahat.

Ako'y narumhan, napagod na't nangawit.
Mga bahagi mo'y nalunod, tinangay na't inilibing.
Hindi na kita muling maririnig.