Saturday, September 30, 2006

so much for drama

gusto ko sanang magrant: katatapos ng bagyo, ilang araw walang pasok pero wala akong magawa dahil may free time nga wala namang kuryente, walang malapit na lugar na may kuryent, walang charge ang cellphone at kababalik lang ng dial tone ng telepono. gusto ko pa sanang mag elaborate dahil marami pa kong gustong ireklamo at ikalungkot pero lechugas paubos na ang charge ng laptop ko at sana mapost ang walang kapararakang ito.

Monday, September 11, 2006

Tunawan ng Ice Cream

Barlaya Writing Workshop na sa thursday.

Namove ang report ko sa isang subject. Pumayag lahat ng prof ko na umabsent ako sa loob ng dalawang araw.

Dahil lang kasama ako sa workshop na yun. Di ba dapat masaya ako?

OO. Masaya kasi walang klase, masarap ang pagkain dun malamang at maraming malilinis na tao makakasalamuha ko. In short, magbubuhay atenista ako sa loob ng dalawang araw. Libre lahat. Kinakabahan ako dahil naiisip ko na kung pano hihimayin ang hamak kong kwento ng mga hard core pormalista. Pero ayos lang yun. Kakayanin ko yun. Hindi naman sila siguro mangangain nang buhay.

Hindi yun ang dahilan kung bakit HINDI ko maramdaman na masaya ako sa mangyayaring ito.

Matagal na 'tong panapapost sa akin. Matagal ko na ring iniisip kung pano kong hindi maipopost.

Siguro isa itong self-esteem booster project para sa akin, at naaappreciate ko 'yun. Abnormal lang siguro akong tao dahil kabaligtaran ang epekto sa akin. Agony ito rather than therapy.

Bakit? Dahil may mga tao lang na inaasahan kong maging masaya para sa 'kin sa nangyaring ito. O siguro kalabisan ang pageexpect ko ng kahit congratulations man lang. Hindi ba yun naman ang logical na sabihin, kakilala mo man yun o hindi? O masyado lang akong maarte. May mga bagay ka lang kasing gustong marinig sa mga taong tinuturing mong kaibigan. Pero kung sa bagay, sino ba naman ako.

Para lang kasing binigyan ka ng isang galong ice cream, tapos ikaw lang kakain mag-isa.