Wala akong masulat. Sabi ni Sir Dennis di daw totoo yung writer's block. E anong tawag nya dito? Kahit isang metapora di ako makagawa. Ni isang maiksing tula di ko man lang mailagay sa papel. Eto ba ang taong nangangarap maging writer, hindi nagsusulat?
Bakit nga ba ko nagkaganito?
Maraming dahilan; Maraming akala, mga akalang merong tayong koneksyon (kahit invisible lang.) Matagal ko ring inisip kung may mapapala ba ko sa pag-isip sa yo sa gabi, sa pagtanong-tanong ng mga bagay tungkol sa yo sa mga kaibigan mong kaibigan ko rin. Halos mamaga nga daliri ko kaka hanap ng pinakabago mong post sa friendster para lang may malaman akong bago sa 'yo. Yun pa rin ang malaking tanong, may napapala ba ko? Wala. Hindi talaga pwedeng lumikha ng mga bagay mula rin sa wala. Dahil sa totoo lang, wala naman tayong koneksyon. Nasobrahan lang siguro ko ng nood ng mga korean melodramas at nahawaan na ng paniniwala sa destiny. Ayoko nang kilalanin ka sa pamamgitan lang ilang mga tanong na di ka naman seryoso pag sinasagutan mo. Ayoko na ring mag-flood ng bulletin board. Titigilan ko na muna siguro ang panonood ng korean movies, nakakahilo na ang pagbabasa ng mga subtitles. Tama, isa ka lang subtitle sa linguahe buhay ko. Ayaw na kitang basahin. Marami pa kong salitang dapat matutunan.
Yan, may nasulat na ko. Tama nga si sir. Sabihin mo lang na wala kang masulat, may masusulat ka na. Tinanggal ko lang to sa isip ko. Sa susunod, hindi na ko magsusulat ng tungkol dito.
Tuesday, January 11, 2005
Unblocking
squeezed by hesperidium at Tuesday, January 11, 2005
Subscribe to:
Posts (Atom)