Thursday, November 30, 2006

Kasaysayan ng Paglimot kay Caty Bucu

Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang post na 'to. Wala naman talaga sana akong balak dahil dakila akong tamad ngayong sem, may nakaalala sa 'kin. Natuwa naman ako.

Madali kasi akong kalimutan. Ebidensya na lang e yung mga workshop. Kung hindi yung panelists, e yung fellows ang makakalimot sa kin. Hindi naman kasi ako star dun, so keri lang kung di nila maalala yung pangalan ko. Pero kahit mukha, walang chance. Kahit parang deja vu na nga lang, wala pa rin. Ayos lang naman, may mga ebidensyang mas malala.

Gaya na lang ng sa mga elementary barkada ko. OO, masama ang loob ko sa kanila. Third year high school ko na lang napagtanto na hindi na talaga nila ako maalala. Kahit tatlong taon ang ginugol ko sa pag ubos ng allowance para mga long distance, sulatan at paminsan minsang pagdalaw ko sa kanila sa Malabon. Sa kabila nun, nang mauso ang cellphone at nagkamatinong allowance na ko nang magcollege, sinikap ko silang kontakin. Nakuha ko mga numbers nila. Text, email, o sulat-- bihirang may magreply at isa hanggang dalawang tao lang yun. Second year college, kasama na talaga ko sa memory gap nila. Tinanggap ko na rin naman dahil naisip ko na ganun lang talaga ang buhay.

Tapos ngayon may natanggap akong email galing sa isa sa kanila.
Unang tanong: musta ka na? -- eto, kilala nyo pa pala. masaya pa rin naman kahit ilang taon nyo kong binalewala pag nagrereunion kayo. alam ko kayo rin. sobrang saya nyo nga kinalimutan nyo ko.

Ikalawang tanong: musta studies? -- ok na ok. masaya ako sa school at course ko. masaya ako sa grade ko at ginagawa sa mga subject namin.

at ang Ikatlong tanong: San k nag OJT ngayn? -- [matagal na katahimikan, napamura ng konti pero sa isip lang] oo nga pala extended ako. hindi ako gagraduate ngayong taon. goodluck sa OJT at thesis nyo. :)

malamang pag pinadala ko to, isang malaking bakit ang irereply sa kin. maiintindihan kaya nila kung bakit ako extended? kahit ako hindi ko na rin maintindihan sa paulit-ulit na kwento. sabi ng kaklase ko dapat sinabi ko raw kay jun cruz reyes na sya ang dahilan, mattouch daw yun. anak ng tokwa, balikan natin ang thesis statement: forgetable akong tao. kahit pinakilala na ko sa kanya ng isa kong prof o nakasama ko sya ng ilang araw sa ateneo, malamang hindi na ako kilala nun. ayokong malaman ang reaksyon, masasaktan lang ako.

hindi ko na rin masisi ang paglipat ko kung kelan pa third year na, o ang course ko na hindi pwedeng macredit ang marami kong nakuha sa lb na puro english subjects, o ang filipino department sa hindi pagsama sa RGEP. o kahit si sir jun at si sir dumlao na unang nagtulak sa kin kung bakit gusto kong sumulat at kumuha ng kurso sa pagsulat, kahit pa walang perang malaki dito o muntik na kong itakwil ng mga kamag-anak kong engineering at pagdodoktor o nurse lang ang nirerespetong propesyon.

alam kong pag nagreply ako sa dati kong kaklase, at nagpaliwanag, iisipin nyang hibang ako. o mahina ang na ulo dahil nasa filipino ang kurso ko (matuyo na mag-isip nun)o wala na lang talagang magawa sa buhay. hindi ko naman pwdeng sabihin na kung gaano nila kagustong pumunta sa amerika't mag-alaga ng mga may sakit dun, ganun ko rin kagusto ang ginagawa ko ngayon kahit pa nga kapalit nun ay ito, ang pagiging extended.

Nabigla lang talaga ako. Hindi umubra ang birong "quality education takes time" o "i will graduate on time no matter how long it takes" para sumaya ako sa kalagayan ko.

Pero bakit ko pa kailangan magpaliwanag sa kanya o sa kanila? Malamang sa hindi e makakalimutan rin naman nila, ako at ang paliwanag ko.

Saturday, September 30, 2006

so much for drama

gusto ko sanang magrant: katatapos ng bagyo, ilang araw walang pasok pero wala akong magawa dahil may free time nga wala namang kuryente, walang malapit na lugar na may kuryent, walang charge ang cellphone at kababalik lang ng dial tone ng telepono. gusto ko pa sanang mag elaborate dahil marami pa kong gustong ireklamo at ikalungkot pero lechugas paubos na ang charge ng laptop ko at sana mapost ang walang kapararakang ito.

Monday, September 11, 2006

Tunawan ng Ice Cream

Barlaya Writing Workshop na sa thursday.

Namove ang report ko sa isang subject. Pumayag lahat ng prof ko na umabsent ako sa loob ng dalawang araw.

Dahil lang kasama ako sa workshop na yun. Di ba dapat masaya ako?

OO. Masaya kasi walang klase, masarap ang pagkain dun malamang at maraming malilinis na tao makakasalamuha ko. In short, magbubuhay atenista ako sa loob ng dalawang araw. Libre lahat. Kinakabahan ako dahil naiisip ko na kung pano hihimayin ang hamak kong kwento ng mga hard core pormalista. Pero ayos lang yun. Kakayanin ko yun. Hindi naman sila siguro mangangain nang buhay.

Hindi yun ang dahilan kung bakit HINDI ko maramdaman na masaya ako sa mangyayaring ito.

Matagal na 'tong panapapost sa akin. Matagal ko na ring iniisip kung pano kong hindi maipopost.

Siguro isa itong self-esteem booster project para sa akin, at naaappreciate ko 'yun. Abnormal lang siguro akong tao dahil kabaligtaran ang epekto sa akin. Agony ito rather than therapy.

Bakit? Dahil may mga tao lang na inaasahan kong maging masaya para sa 'kin sa nangyaring ito. O siguro kalabisan ang pageexpect ko ng kahit congratulations man lang. Hindi ba yun naman ang logical na sabihin, kakilala mo man yun o hindi? O masyado lang akong maarte. May mga bagay ka lang kasing gustong marinig sa mga taong tinuturing mong kaibigan. Pero kung sa bagay, sino ba naman ako.

Para lang kasing binigyan ka ng isang galong ice cream, tapos ikaw lang kakain mag-isa.

Monday, August 21, 2006

Reviving Dead Stars

I read Paz Marquez Benitez's "Dead Stars" a couple of times today. A certain memory came flooding in.

We were sitting on the slanted side of the huge park, between the trees. No one knew that I was the happiest person those days. Then I again I never really told anyone, including myself -- except for some paper and the unconscious escaping through my dreams.

We talked about it, the thing that we cannot put into words. Maybe because the words were caught up somewhere between the february days and a handful of what-ifs and never was and supposed to be's. They almost materialized, between the poems I've written and the trance-like conversations we had and little stories that circulated amongst our friends.

The problem with us, being aspiring poets, we often spoke in metaphors. At least, during those times, when we speak to each other. Even the laughters and puns we shared hid some things we can never really tell to the other (Or was it only me?). Time and circumstances took the better of those days. I lost you in the picture.

So when you returned, I failed to see that we were in another picture. Something that was cut short came back to me, in a whirl of past events that I attempted to paste to the present. Until it all came down to this -- sitting on moist grass, between the trees.

You said that things are the way they are now because of the choices we made in the past. That if it weren't for that, we wouldn't even be in this kind of friendship.

If you only knew that all those days when you looked up to me, I also had you in a pedestal. That's why it still puzzles me up to now, why some things were never said when we should have seen each other on the same ground. Your question on why I did not throw the first words still rings in my head every now and then. Though it did not seem likely, I am still a female affected by some female conventions, if not all. Apparently, it did not occur to you back then.

So, after a long winding of euphemisms and figures of speech wherein we concealed the matters to be discussed, we agreed. We agreed that it was something to be left in the past. I said it was cool, that I was okay with it. Perhaps, only the trees on our sides knew that the answer I gave was half-meant, almost otherwise.

After that, I staggered back to reality. Beyond the wide mat of grass where we were sitting lie concrete paths that we had to walk on. That was supposed to be the end of everything that has to do with it.

But like the boots, the bicycle, among the long list of things I never had, the idea of you comes back every once in a while. Only to be amplified again the day I learned that you found your girl, and it was not me.

So after reading and rereading 'Dead Stars', I can't help but remember the memory of us sitting on the grass between the trees, because we were under the stars. Sure they were wonderful, but I never really bothered to look up. You were beside me, and that was pretty much all the wonder I could handle at that moment.

When I came close to the ending of the story, I read it back to the start. But now I'm already tired. For hours I had been Alfredo Salazar, and you were my Julia Salas. At the beginning of the day I wanted to be Marquez Benitez , so I could've ended it somewhere in the middle, the "unforgettablered-and-gold afternoon in early April". How it odd it was that the end was set in the same place where we are now.

And how odder it seems that I've grown tired of reviving the light of dead stars, yet holding back, too selfish to admit that I'm merely looking from the sky of another.

Monday, July 24, 2006

pumapatak na naman ang ulan

nabanggit ni sir paolo na may school of writing ang mga filipino writers kung saan inaassociate ang feelings sa panahon. either nirereflect ng panahon yung feeling ng persona or vice versa. basta something to that effect.

umuulan ngayon. mahina lang pero nangangagat ang lamig.

tangina. bakit ba kasi ako naniniwala sa law of conservation of energy. bakit naaassociate ko ang three year old feelings sa half-life. bakit sa napakaraming nang nangyari sa buhay ko at sa buhay mo (na muntik nang maging natin?) ganito pa rin, ganito pa rin.

para akong sinaksak sa tiyan ng four letter word na para sa kanya.

tangina talaga. buti pa ang ulan pumapatak. kung ako ang persona sa sinabi ni sir paolo, ang OA naman. tumigil na ang ulan sa labas pero binabagyo pa rin ang pakiramdam ko.

Monday, July 10, 2006

Wala Akong Point Pero Parang Meron

Ang 'Brave New World' ni Aldous Huxley Part II

Naalala ko bigla ang linya sa kanta ng Hanson: "When you live in a cookie cutter world, being different is the same." Sa lagay ni Bernard, parang siya yung cookie dough na aksidenteng nayupi bago i-bake. Yun tipong, legal ang polygamy (at illegal ang monogamy) pero halos di siya nakikipagdate. Legal ang drugs (soma ang tawag nila) para sumaya pero kailangan pa siyang pilitin. Aware siya sa mga ideolohiyang napre-condition sa mga katulad niya at nakakapag-isip siya nang labas doon.

Habang nagbabasa ako, naisip kong ang sexist,racist at marami pang -ist ang kwento (mga character,sitwasyon at pwede rin mismong si huxley). Sabi sa blurb ng libro, satire daw ang nobela.Kaya siguro puno ng '-ist'. Pero satire ng ano? Maraming pwedeng issue: perfection, technology, collective thinking, civilization,family, roots, future at iba pa.

Gusto kong isipin na isang stand tungkol sa perfection ang Brave New World. Kahit nakakasakit ng ulo, ang hirap hindi isipin ng mga linyang "if nobody's perfect, how come practice makes perfect?". Kung iuugnay sa cookie cutter world na sinasabi ng Hanson, lalo lang magiging cyclic ang mga bagay. Human goal ang perfection, lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa buhay. Kaya nga may mga doktor at mga nag-iimbento ng kung anu-anong gamot at gamit para mapadali ang pamumuhay at mapahaba ang pagiging buhay. Pero achievable ba talaga ang perfection? Sabi sa dictionary, ang 'perfect' ay complete and whole, at utter or absolute. Hindi naman sa pagiging humanist pero sa pag-alter ba ng mga bagay, nakukumpleto ba sila? At kung makumpleto man, nagiging absolute ba?

Hindi ako masayadong fan ng absolutism. Hindi rin ako magaling sa philo kahit pa parang kanina pa ako nagphi-philosophize. Pero sa palagay ko,hindi imposible ang Brave New World. Kahit na de numero na ang takbo ng buhay, may kukuwestiyon na Bernard Marx na makakadiskubre ng isang savage na nagngangalang John. Sa huli, darating sa puntong mawawala ang lahat sa bilang nang walang nakakaalam.

Pano kaya kung Alpha Double Plus Ako?

Ang 'Brave New World' ni Aldous Huxley Part I

Isa sa mga dahilan kung bakit ako napadpad sa scifi, bukod sa unrealistic para sa normal na setting ang mga naiisip kong mga cirumstance (whew, habang paliwanag), frustrated lang talaga akong maging einstein slash astronaut. Sa madaling sabi, pinangarap kong maging henyo sa larangan ng siyensya. At dahil nga sa law of conservation of energy (na gusto ko lang i-apply kahit sa usapin ng emosyon), hindi naman talaga mawawala yun-- nababawasan lang o nagbabago ng anyo.

Napag-alaman kong biologist ang sumulat ng nobela. Kita naman yun sa pagimbento niya ng mga termino (kahit hanggang ngayon wala pa rin akong kongkretong kahulugan ng 'freemartin').

Tungkol ang kwento sa siyempre, bagong mundo. Manufactured na ang mga tao. Kumpleto ang buong quality control. Pinapalaki sila sa bote, ine-engineer ang physical, social, intllectual at emotional well-being, hinihiwalay sa social classes at ang bawat class, may kani-kanyang set at limitasyon ng mga pwede at hindi pwedeng gawin (mula trabaho hanggang pakikisalamuha sa ibang tao). Nasa pinkamataas na posisyon ang 'world controllers'. Pero iba pa yun sa Alpha Double Plus (mga halimaw sa galing. bumabalik ang genius wannabe kong sarili) hanggang Gamma Semi-Moron at ang mga 'savage'. Mahalaga ang tao bilang bahagi ng isang mas malaking komunidad, kaysa bilang indibidwal. Diskriminado ang mga mapag-isa.Kaya sa palagay ko, si Bernard Marx ang bida. Nasa Alpha plus siya, at eksperto sa emotional engineering pero indibdwal siyang mag-isip kahit na minsan, nadadaig pa rin ng epekto ng kanyang chidhood neo-pavlovian conditioning.

The Bookshelf and Other Ghosts

I went home last friday and my mother gave me a surprise: a bookshelf.

Certain memories came back. The black boots, the jumper and the first megamall trip. Childhood things I wanted but never had and even if I can have them now the feeling will not be the same anymore.

The minute I saw my new bookshelf,Ifelt as if I had all those things I wanted the very moment I wanted them. Okay, so maybe I'm going a bit overboard. But childish happiness has always been a big thing for me.

My new bookshelf is not new. In fact, it is pretty much worn out (c/o the medical student who once owned it). But hey, i like the shabby chic look. So there it was, nostalgia standing between me and the 3foot wide,four-layered shelf.

Now, it is inside my room. I can't help but arrange and rearrange my books in it and think about filling the empty spaces in the near future. And with that, I vowed to myself that this will not add up to the growing list of my post-childhood frustrations.

Sunday, June 11, 2006

parang ang sarap tumalon

PAANO KUNG... nakarating din kami dito? Nalaman namin agad na Sunday lang bukas? Tinutukan namin ng patalim yung manong na sumundo sa min sa airport para dalhin kami dito? Nag-stay pa ko nang mas matagal dun? Kahit sa mga oras na to, hindi kakayanin ng mga daliri ko kung ittype ko lahat ang bumubuhos na mga tanong. Mga tanong na posibilidad noon at panghihinayang na lang ngayon. Parang tubig sa talon; mula sa tuktok, babagsak, aagos. Magigising na lang, bahagi na ng mas malaking karagatan.)*


maria cristina falls 2
Originally uploaded by spiritchild.

* sabi ko naman kasi, saka na ang iligan post (mais tuloy). pagbigyan niyo na ko, puyat lang at tuliro.

Saturday, June 10, 2006

walang straight lines


bahay ni gloria, 1
Originally uploaded by spiritchild.
hmm.. bakit ba wala pa kong iligan entry. hay. ayusin ko muna buhay ko. pero by the time na masulat ko yun malamang altered na. but the bittersweet sadness of recalling will make my current upside down life a bit better, hopefully.

Sunday, May 14, 2006

Sticker Happy Out of Stock

Last summer, I got caught in the whole summer love thing. And a year later, here you are now, also having the time of your life like I did. I'm supposed to feel happy for you like the way I felt happy for myself, right?

When I learned what's been going on between you and her, I felt that I lost you. No, not about the whole thing that 'never was' between us. I mean, it was supposedly over the day we were able to talk about it (or maybe sooner). I lost you in the sense that lately, you're not yourself anymore. You were my source of optimism because of the plain fact that you were always happy when we talk. You are the Mr. Brightside. No matter how much frustration or anger or violent reactions I have in my life, when I tell you my stories, you always sealed it with a smiley face sticker.

I can't do anything and I hate the feeling. That is your life and I know I'm not suppose to meddle, especially now that you have someone. But today is a lot worse than if ever I was not able to find you the time your soc130 was hanging on a 5. Then again, maybe, I am getting in your way this time your summer thing got all mixed up. Even if I'm all ears for whatever you have to say regarding the matter, you're not up for telling about the whole deal. I understand. I'm sorry.

Hey, I just wanted to tell you new things happier than old frustrations. Then you suddenly ran out of stickers. And I don't have enough to seal your story with a smiley face.

-----------------------------------------
What's with the summer heat that melted the happy version of yourself away? Her.
Or at least, you and her.

Sunday, April 23, 2006

Chippy Na Naman

Naalala ko ulit sitwasyon mo. Kung ikaw ang Eraserheads, siya si Toyang. Pero ang ending niyo, sa tindahan ni Aling Nena. (Anong nangyari?..~alam na~)
Sa ngayon try to be (sticker) happy. Huwag kang matakot. Kahit di totoong walang nagbago. Mahahanap mo rin ang ligaya, kahit suntok sa buwan pa. Minsan pare ko, it`s hard to believe pero someday, everything will be fine, fine fine time.
May wishing well sa dulo ng maselang bahagari. Kahit ano, makakakarating din tayo...kita-kita sa dulo.
Welcome pa rin naman sa Come Ya*. ;)
(*pag ely ka na, pa-autograph ha.)

--------------------------------------

update: sa susunod pag iinom ka, magsama ka naman. kaw lang nabibiyayaan ng alkohol. segway, corny ng post na 'to. going back...'tol, sabi mo focus sa banda hindi sa toma. seriously, kaya mo yan. well, as if naman mababasa mo 'tong "chippy series" e ni friendster nga wala ka. basta, kaya mo yan.

Friday, April 14, 2006

Chippy Pa Rin

Malamang ibubuhos mo ang panahon mo sa pagsulat at pagtugtog ng gitara. Habang abala, nasa likod pa rin ng isip mo ang planong pag-alis sa sirkulasyon na nag-uugnay sa inyong dalawa. Masakit sa 'yo, pero hindi natin alam sa kanya.

Dahil sarili mo yan, di ba mahalaga rin kung ano ang sa 'yo? Lilipas din ang lahat ng bagay na sa kanya diyan sa isip mo. Minsan babalik at makaka-LSS pa na parang kanta ni Sharon Cuneta. May mga pagkakataong masayang balikan ang lumang kanta.

Pero hindi mo kailangang tuluyang iwan ang sirkulasyon kahit nandun siya. Nabuhay ka naman bago ang lahat. Hindi rin naman one-way ang mga daan. Magksalisi o magkasalubong man kayo, marami kang bagong kanta at kakanatahan. Kahit hindi na siya at pinakikinggan niya ang sa iba.

Thursday, April 13, 2006

Chippy

Sorry wala akong nasabi sa problema mo. Hindi ko man masabi sa 'yo, pero kung may magagawa lang ako, ginawa ko na. Kaya lang hindi natin hawak ang isip niya o ang mga pagkakataon.

Sorry kung nagtatanong ka. Yun na lang naman ang magagawa mo sa ngayon. Kung sasagutin naman, masasaktan ka. Kahit si robocop masasaktan sa sagot. Humingi ka ng sagot, yun lang din ang maibibigay sa 'yo.

Parang regalong alam mo ang laman pero gusto mo pa ring malaman ang nasa loob. Di mo na puwedeng isoli kapag nabuksan na. Isa pa, wala namang ibang pagbibigyan kundi ikaw.

Kahit iwan mo sa ilalim ng Christmas tree, matatapos din ang pasko. Itatabi na ang mga dekorasyon.Kinabukasan, magigising ka na lang na katabi mo ang regalo. Kahit di buksan, isang araw may makikialam din nyan. Kung di ang kasambahay mo, ikaw din mismo. Ang bahagi ng sarili mong gustong-gustong buksan ito.

Isa ito sa mga sitwasyon sa buhay natin na gusto mong makita pero ayaw mong malaman (o vice versa).

Wednesday, April 12, 2006

INC.*

i am a big disappointment to the universe and i hate thinking about it. but the fact haunts me every minute -- like a dysfunctional lightbulb, turning on and off and on again.

i don't want to stop believing that i can get through this. maybe i am a mediocre writer, more mediocre student and most mediocre person among the people i know. but if i content myself to being one, then i am more of a nobody than a nobody. if an incomplete grade should stop good grades then i have to forget my dreams. and if i stop getting past aspiring to be a writer then i have no chance.

if i don't become a writer, i won't have anything. i'll be nobody. i'll be nothing.

as reality stares at the moment, the only thought that comforts me is that maybe, just maybe, i can do this and someone out there thinks so too.

*forget grammar and syntax, malungkot ako.

Sunday, April 02, 2006

Unloading

kaninang habang bumibira ang nanay ko sa pagbengga sa kin, nakakasama ng loob. malamang. pano ba naman, hindi ako pinayagang lumabas. bakit? dahil makalat daw ako. wag daw akong makalabas-labas.

samantalang yung isang anak niyang mega na ang pagkapathological liar, pinapaniwalaan pa rin. yung ba ang ugali pag andito si nanay at kung wala. kumusta naman sa multiple personality disorder. as in yung parang kontarabida sa soap opera. ganun. hindi na pinalalabas yun dahil sobra na ang pagkagala. ako ngang nasa maynila ni hindi makalabas papuntang mall para kumain or kumain at all for that. but nO! lumalabas pa rin. ang layo ng nararating.

galit-galit kunyari ang mudra pero ni hindi naman pinipigilan sa paglabas. tanggap lang nang tanggap ng kanyang mga pathetic reasons. samantalang ako na matapos ang buong sem e ngayon lang makapagsasaya, hindi pa pinayagan! anak ng kulugo! ayokong patulan dahil alam kong i am better than this.

ginagawa ko lahat ng makakaya ko para magpakatino sa acads. para may karapatan akong humirit ng gala o ng bagong ganito. para hindi nakakahiya. pero mas pinapaboran dito ang mga taong nagloloko na nga sa acads, nanakit ng magulang (yes, you heard it right), walang sinasanto at hindi nasisindak. yun ang binibili ng cellphone, may tv sa kwarto, may sariling extension ng telepono at bibilhan ng kung ano pang ihirit.

gusto ko lang naman lumabas kasama ang friends para makapag-unwind.isang araw lang. kahit pakunswelo de bobo na lang sa kin na hindi ako makahirit kahit na ginagawa ko naman lahat para magkaron ako ng karapatan. pero wala pa rin.

mas maraming bagay ang kailangang i-prioritize ko sa brain space ko kesa sa pagka-unfair ng nanay ko. hindi naman nakakain ang fairness. at hindi na ako nagugutom para dito tulad nang dati.

pero nalaman ko lang na may point ang mga structuralists (tama ba?). totoo ang binary oppositions sa mundo. at sa bawat opposition, merong mas favored. at kung i-iinterrelate mo pa ang psychology, mas favored ang mga taong may hitsura - in denial man ang mga taong inolved o hindi.

tama na, tama na. pero sa salamat sa blogs. na unload na rin to sa wakas. marami pa kong iisipin.

Sunday, January 08, 2006

Patay - Sindi

Itinaas ang switch.
Umilaw ang bumbilyang alaala,
Malamlam na dilaw.
Umandap-andap
Hanggang sa magising ang puyat.
Paghikab ay lumuha.
Pinatay ang ilaw,
binuksan ang bagong gunita.