Ang 'Brave New World' ni Aldous Huxley Part I
Isa sa mga dahilan kung bakit ako napadpad sa scifi, bukod sa unrealistic para sa normal na setting ang mga naiisip kong mga cirumstance (whew, habang paliwanag), frustrated lang talaga akong maging einstein slash astronaut. Sa madaling sabi, pinangarap kong maging henyo sa larangan ng siyensya. At dahil nga sa law of conservation of energy (na gusto ko lang i-apply kahit sa usapin ng emosyon), hindi naman talaga mawawala yun-- nababawasan lang o nagbabago ng anyo.
Napag-alaman kong biologist ang sumulat ng nobela. Kita naman yun sa pagimbento niya ng mga termino (kahit hanggang ngayon wala pa rin akong kongkretong kahulugan ng 'freemartin').
Tungkol ang kwento sa siyempre, bagong mundo. Manufactured na ang mga tao. Kumpleto ang buong quality control. Pinapalaki sila sa bote, ine-engineer ang physical, social, intllectual at emotional well-being, hinihiwalay sa social classes at ang bawat class, may kani-kanyang set at limitasyon ng mga pwede at hindi pwedeng gawin (mula trabaho hanggang pakikisalamuha sa ibang tao). Nasa pinkamataas na posisyon ang 'world controllers'. Pero iba pa yun sa Alpha Double Plus (mga halimaw sa galing. bumabalik ang genius wannabe kong sarili) hanggang Gamma Semi-Moron at ang mga 'savage'. Mahalaga ang tao bilang bahagi ng isang mas malaking komunidad, kaysa bilang indibidwal. Diskriminado ang mga mapag-isa.Kaya sa palagay ko, si Bernard Marx ang bida. Nasa Alpha plus siya, at eksperto sa emotional engineering pero indibdwal siyang mag-isip kahit na minsan, nadadaig pa rin ng epekto ng kanyang chidhood neo-pavlovian conditioning.
No comments:
Post a Comment