Ang 'Brave New World' ni Aldous Huxley Part II
Naalala ko bigla ang linya sa kanta ng Hanson: "When you live in a cookie cutter world, being different is the same." Sa lagay ni Bernard, parang siya yung cookie dough na aksidenteng nayupi bago i-bake. Yun tipong, legal ang polygamy (at illegal ang monogamy) pero halos di siya nakikipagdate. Legal ang drugs (soma ang tawag nila) para sumaya pero kailangan pa siyang pilitin. Aware siya sa mga ideolohiyang napre-condition sa mga katulad niya at nakakapag-isip siya nang labas doon.
Habang nagbabasa ako, naisip kong ang sexist,racist at marami pang -ist ang kwento (mga character,sitwasyon at pwede rin mismong si huxley). Sabi sa blurb ng libro, satire daw ang nobela.Kaya siguro puno ng '-ist'. Pero satire ng ano? Maraming pwedeng issue: perfection, technology, collective thinking, civilization,family, roots, future at iba pa.
Gusto kong isipin na isang stand tungkol sa perfection ang Brave New World. Kahit nakakasakit ng ulo, ang hirap hindi isipin ng mga linyang "if nobody's perfect, how come practice makes perfect?". Kung iuugnay sa cookie cutter world na sinasabi ng Hanson, lalo lang magiging cyclic ang mga bagay. Human goal ang perfection, lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa buhay. Kaya nga may mga doktor at mga nag-iimbento ng kung anu-anong gamot at gamit para mapadali ang pamumuhay at mapahaba ang pagiging buhay. Pero achievable ba talaga ang perfection? Sabi sa dictionary, ang 'perfect' ay complete and whole, at utter or absolute. Hindi naman sa pagiging humanist pero sa pag-alter ba ng mga bagay, nakukumpleto ba sila? At kung makumpleto man, nagiging absolute ba?
Hindi ako masayadong fan ng absolutism. Hindi rin ako magaling sa philo kahit pa parang kanina pa ako nagphi-philosophize. Pero sa palagay ko,hindi imposible ang Brave New World. Kahit na de numero na ang takbo ng buhay, may kukuwestiyon na Bernard Marx na makakadiskubre ng isang savage na nagngangalang John. Sa huli, darating sa puntong mawawala ang lahat sa bilang nang walang nakakaalam.
No comments:
Post a Comment