nabanggit ni sir paolo na may school of writing ang mga filipino writers kung saan inaassociate ang feelings sa panahon. either nirereflect ng panahon yung feeling ng persona or vice versa. basta something to that effect.
umuulan ngayon. mahina lang pero nangangagat ang lamig.
tangina. bakit ba kasi ako naniniwala sa law of conservation of energy. bakit naaassociate ko ang three year old feelings sa half-life. bakit sa napakaraming nang nangyari sa buhay ko at sa buhay mo (na muntik nang maging natin?) ganito pa rin, ganito pa rin.
para akong sinaksak sa tiyan ng four letter word na para sa kanya.
tangina talaga. buti pa ang ulan pumapatak. kung ako ang persona sa sinabi ni sir paolo, ang OA naman. tumigil na ang ulan sa labas pero binabagyo pa rin ang pakiramdam ko.
Monday, July 24, 2006
pumapatak na naman ang ulan
squeezed by hesperidium at Monday, July 24, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment