Thursday, April 13, 2006

Chippy

Sorry wala akong nasabi sa problema mo. Hindi ko man masabi sa 'yo, pero kung may magagawa lang ako, ginawa ko na. Kaya lang hindi natin hawak ang isip niya o ang mga pagkakataon.

Sorry kung nagtatanong ka. Yun na lang naman ang magagawa mo sa ngayon. Kung sasagutin naman, masasaktan ka. Kahit si robocop masasaktan sa sagot. Humingi ka ng sagot, yun lang din ang maibibigay sa 'yo.

Parang regalong alam mo ang laman pero gusto mo pa ring malaman ang nasa loob. Di mo na puwedeng isoli kapag nabuksan na. Isa pa, wala namang ibang pagbibigyan kundi ikaw.

Kahit iwan mo sa ilalim ng Christmas tree, matatapos din ang pasko. Itatabi na ang mga dekorasyon.Kinabukasan, magigising ka na lang na katabi mo ang regalo. Kahit di buksan, isang araw may makikialam din nyan. Kung di ang kasambahay mo, ikaw din mismo. Ang bahagi ng sarili mong gustong-gustong buksan ito.

Isa ito sa mga sitwasyon sa buhay natin na gusto mong makita pero ayaw mong malaman (o vice versa).

No comments: