kaninang habang bumibira ang nanay ko sa pagbengga sa kin, nakakasama ng loob. malamang. pano ba naman, hindi ako pinayagang lumabas. bakit? dahil makalat daw ako. wag daw akong makalabas-labas.
samantalang yung isang anak niyang mega na ang pagkapathological liar, pinapaniwalaan pa rin. yung ba ang ugali pag andito si nanay at kung wala. kumusta naman sa multiple personality disorder. as in yung parang kontarabida sa soap opera. ganun. hindi na pinalalabas yun dahil sobra na ang pagkagala. ako ngang nasa maynila ni hindi makalabas papuntang mall para kumain or kumain at all for that. but nO! lumalabas pa rin. ang layo ng nararating.
galit-galit kunyari ang mudra pero ni hindi naman pinipigilan sa paglabas. tanggap lang nang tanggap ng kanyang mga pathetic reasons. samantalang ako na matapos ang buong sem e ngayon lang makapagsasaya, hindi pa pinayagan! anak ng kulugo! ayokong patulan dahil alam kong i am better than this.
ginagawa ko lahat ng makakaya ko para magpakatino sa acads. para may karapatan akong humirit ng gala o ng bagong ganito. para hindi nakakahiya. pero mas pinapaboran dito ang mga taong nagloloko na nga sa acads, nanakit ng magulang (yes, you heard it right), walang sinasanto at hindi nasisindak. yun ang binibili ng cellphone, may tv sa kwarto, may sariling extension ng telepono at bibilhan ng kung ano pang ihirit.
gusto ko lang naman lumabas kasama ang friends para makapag-unwind.isang araw lang. kahit pakunswelo de bobo na lang sa kin na hindi ako makahirit kahit na ginagawa ko naman lahat para magkaron ako ng karapatan. pero wala pa rin.
mas maraming bagay ang kailangang i-prioritize ko sa brain space ko kesa sa pagka-unfair ng nanay ko. hindi naman nakakain ang fairness. at hindi na ako nagugutom para dito tulad nang dati.
pero nalaman ko lang na may point ang mga structuralists (tama ba?). totoo ang binary oppositions sa mundo. at sa bawat opposition, merong mas favored. at kung i-iinterrelate mo pa ang psychology, mas favored ang mga taong may hitsura - in denial man ang mga taong inolved o hindi.
tama na, tama na. pero sa salamat sa blogs. na unload na rin to sa wakas. marami pa kong iisipin.
Sunday, April 02, 2006
Unloading
squeezed by hesperidium at Sunday, April 02, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment