Barlaya Writing Workshop na sa thursday.
Namove ang report ko sa isang subject. Pumayag lahat ng prof ko na umabsent ako sa loob ng dalawang araw.
Dahil lang kasama ako sa workshop na yun. Di ba dapat masaya ako?
OO. Masaya kasi walang klase, masarap ang pagkain dun malamang at maraming malilinis na tao makakasalamuha ko. In short, magbubuhay atenista ako sa loob ng dalawang araw. Libre lahat. Kinakabahan ako dahil naiisip ko na kung pano hihimayin ang hamak kong kwento ng mga hard core pormalista. Pero ayos lang yun. Kakayanin ko yun. Hindi naman sila siguro mangangain nang buhay.
Hindi yun ang dahilan kung bakit HINDI ko maramdaman na masaya ako sa mangyayaring ito.
Matagal na 'tong panapapost sa akin. Matagal ko na ring iniisip kung pano kong hindi maipopost.
Siguro isa itong self-esteem booster project para sa akin, at naaappreciate ko 'yun. Abnormal lang siguro akong tao dahil kabaligtaran ang epekto sa akin. Agony ito rather than therapy.
Bakit? Dahil may mga tao lang na inaasahan kong maging masaya para sa 'kin sa nangyaring ito. O siguro kalabisan ang pageexpect ko ng kahit congratulations man lang. Hindi ba yun naman ang logical na sabihin, kakilala mo man yun o hindi? O masyado lang akong maarte. May mga bagay ka lang kasing gustong marinig sa mga taong tinuturing mong kaibigan. Pero kung sa bagay, sino ba naman ako.
Para lang kasing binigyan ka ng isang galong ice cream, tapos ikaw lang kakain mag-isa.
Monday, September 11, 2006
Tunawan ng Ice Cream
squeezed by hesperidium at Monday, September 11, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment