Friday, December 09, 2005

Ilang Talang Patapon

sa malayong kawalan,
naiwan ang laman;
malapit nang pagpyestahan
Ng buwitreng daraan.

-----------------------------------

Sa mesa'y inihimlay,
ang tasang nangangalay
sa mga halik ng lumbay
Na pait ang kasabay.

At kutsara'y nahulog,
alingawngaw ang tunog;
Kapiling na natulog
ang lamig na dumulog.

-----------------------------------

himig ma'y mapupulot
sa tinig na nagdulot,
'pag awit ay naudlot,
hindi na mahahablot.

2 comments:

ie said...

so patapon pa pala yan. =)

ie said...

oo sobrang gusto ko yung tula mong iyon. hindi lang ako sigurado kung may sukat. saka sana may title no.