I think I'm one of those people who refuse to grow up. No, not because I'm always mistaken as a freshman student or that I still watch cartoons. Maybe it's because I don't know how i will deal with things that 'adult' life has to offer - jobs, romantic relationships, money matters, etc. I like things the way they are for me right now. I like my messy, unorganized yet happy, academic kind of life as of the moment (wow, grammatically correct pa ba to? ). But eventually (and hopefully) I will have to graduate, get a job, take care of my parents and sisters and all that. Yes, like everyone else, I will grow up. But hey, I still officially have 2 years of student life. I just wish I can make the most out of it.
Ok, tama na ang english englishan. Ano nga ba ko ngayon? Basta, isa lang akong normal na estudyante na walang ibang pangarap kundi ang maging isang manunulat. pwede na rin maging prof sa uplb pero ibang kwento na yun. Isang malaking problema: hindi na naman ko nagsusulat. bakit ang tamad ko ngayon, bakit?! marunong pa ba ko? hay nako, wag kayong maniwala sa mga testi. pero promise, magbabagong buhay na ko. magsusulat na ko ulit. sasama na ko sa morning walks. para bago man lang ako mamatay, masasabi kong mamamatay akong sinusubukang maabot ang pinakamatindi kong pangarap (naks, drama!).
tama na tong kalokohan na to. pagkabasa nyo nitong tungkol sa kin at kaibigan nyo pa rin ako, salamat ng marami. :)
(p.s.: at kung ikaw si bambam o grammar sensitive na tao, message mo na lang sa kin yung corrections. i'll be happy to edit this para sa yo)
Sunday, February 27, 2005
Random Thoughts in Taglish
squeezed by hesperidium at Sunday, February 27, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
cringqu! miss na kita. ok lang yan. tama bang magdrama. Tama lang na i-enjoy mo ang pagpapalaot mo sa dagat ng iyong "messy" na buhay. At least masaya ka naman. Minsan, ok lang na gawin natin ang mga bagay na makapagpapasaya sa'tin pero kailangan din nating timbangin kung long term ba o short term ba ang effects nito. Wag kang biter-biteran. Ikaw pa rin ang master bucu na nakilala ko. At hinahangaan ko un. Lumayas ka man sa buco pie land, o kung ano man ang gawin mo sa buhay mo, basta masayab ka at walang pagsisisi, ayus yun! hehe! mis u cringqu!!!!
miss ka na namin. miss na kita. inuman tau uli gaya ng dati - yung huling araw ng klase bago mag xmas break. isa ka sa mga inspirasyon ko ngayon. ikaw at ang lalaking iniibig ko ngayon (tunay na'to at hindi toh si alfie). ikaw at ang mga magulang at mga kapatid ko. ikaw at ang mga kaibigan natin. ikaw at ang mga kapwa natin kamag-aral. ikaw at ang mga manggagawa't magsasaka. ikaw at ang bansa natin. mahal kita gaya ng pagmamhal ko sa kanilang lahat. nag-aalala ako kapag kinikwento nila na napapadalas ang pag-inom mo. pasensya na sa pagiging agitated ko. minsan ayokong pumunta sa layb dahil kapag agitated ako. pero mahal ko ang layb, at mahal ko kayo.
sa pagkakataong ito, parehas tayo ng gusto: ang hindi tumanda, at ang magsulat. pero sa tingin ko, impossible ang hindi pagtanda sa tula (unless gusto mong magsulat ng children's rhymes habangbuhay). dahil dito, malungkot akong magiging matapang.
inevitable kase ang pagtanda sa pagsulat, dahil ang pagsulat ay nangangailangan ng pag-alam, mas malalim na pang-unawa, pakikialam. kaya mo namang gawin ang mga ito habang bata ka pa, pero hindi ito magtatagal. tatanda at tula ka, tutula at tatanda ka rin.
Post a Comment