Ikaw,
Hindi ko alam kung paano 'to sisimulan pero gagawin ko na rin. Alam mo bang sa tuwing sumusulat o tumutugtog ka ng sarili mong kanta o kahit sa iba, pinipikit ko ang aking mga mata? Pinakikinggan ko ang bawat linya na para bang inaalay mo sa akin ang bawat nota (kahit alam nating hinahabi mo lang ang mga ito para sa pakikinig ng mga dyosa). Tuwing kumukumpas ang hangin sa saliw ng iyong pagtugtog, pati diwa ko'y natatangay na rin,hanggang sa makalimutan kong isa lamang pala akong mortal - namumulot ng tira-tirang himig na nahulog mula sa langit. At sa pag hagod ng pinagdugtong-dugtong na tunog sa aking tenga, alam kong patapos ka na naman ng panibagong kanta.
Ako.
Saturday, March 26, 2005
Kwerdas Patatas
squeezed by hesperidium at Saturday, March 26, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
narinig ko ang boses mo habang binabasa ko yung entry mo. di bale, mukhang nasa tono ang gitara, katono ng nararamdaman mo para sa kanya. sana ay katono mo din siya. kung hindi man, OKAY LANG. ang mundo ay hindi nakagapos sa mga kwerdas.
hindi matapos-tapos ang tahimik na paghihintay: paghihintay sa sulat na hindi dumarating, paghihintay sa pagtatapos ng kantang hindi pa rin inaalay para sa iyo, paghihintay para sa unang seryosong pakikipag-usap sa lalakeng tinatanaw mo lamang sa malayo.
naisip ko tuloy: may pinagkaiba pa ba ang paghihintay sa pangangarap?
minsan, ang tunog ng gitara ay iba sa tunog ng puso...kung sa palagay mo ay para lang iyon sa mga dyosa, maaari din iyong maging para sa mga mortal dahil minsan ang mga dyosa ay bumababa rin sa lupa...pero kung totoo man na dyosa lang ang pinaglalaanan ng mga pagtipa sa gitara, OK LANG!!!...isipin mo na lang na marami pang ka-RAKRAKAN diyan!

Post a Comment