Sunday, April 24, 2005

Rambutan

May ibang tao,
pinpukpok pa ito para mabuksan.
Di niya alam,
pipisilin lang sa daliri
ang malalambot na krayom nitong balat.
Hihigupin agad ang sabaw sa loob nito,
at sa ibabaw ng kamay na nagbukas.
Mas maganda kung tuklapin.
Maihihiwalay sa buto
ang malamig nitong laman
na siyang pupukaw sa uhaw
ng ngiping ngumunguya dito.


Nunit higit sa lahat,
ang pinakahihintay ko
sa bawat balat at buto
na pupuno sa aming plastik na puti -
ang mga maiiwang ngiti
ng mga matatamis na bibig
at mga daliring nagsasalu-salo
sa metaporang iniwan nito
habang nakahain sa gitna
nitong bilog naming binubuo.

4 comments:

Anonymous said...

SI REIKA YAN EH.

Anonymous said...

hmmm. may naalala ako sa rambutan.


masarap ang rambutan.

pinky said...

ang ayaw ko sa rambutan, may balat sa dumidikit sa laman. makati yun sa lalamunan!

ie said...

rambutan at pagkakaibigan... may tugma.