Naalala ko ulit sitwasyon mo. Kung ikaw ang Eraserheads, siya si Toyang. Pero ang ending niyo, sa tindahan ni Aling Nena. (Anong nangyari?..~alam na~)
Sa ngayon try to be (sticker) happy. Huwag kang matakot. Kahit di totoong walang nagbago. Mahahanap mo rin ang ligaya, kahit suntok sa buwan pa. Minsan pare ko, it`s hard to believe pero someday, everything will be fine, fine fine time.
May wishing well sa dulo ng maselang bahagari. Kahit ano, makakakarating din tayo...kita-kita sa dulo.
Welcome pa rin naman sa Come Ya*. ;)
(*pag ely ka na, pa-autograph ha.)
--------------------------------------
update: sa susunod pag iinom ka, magsama ka naman. kaw lang nabibiyayaan ng alkohol. segway, corny ng post na 'to. going back...'tol, sabi mo focus sa banda hindi sa toma. seriously, kaya mo yan. well, as if naman mababasa mo 'tong "chippy series" e ni friendster nga wala ka. basta, kaya mo yan.
Sunday, April 23, 2006
Chippy Na Naman
squeezed by hesperidium at Sunday, April 23, 2006
Friday, April 14, 2006
Chippy Pa Rin
Malamang ibubuhos mo ang panahon mo sa pagsulat at pagtugtog ng gitara. Habang abala, nasa likod pa rin ng isip mo ang planong pag-alis sa sirkulasyon na nag-uugnay sa inyong dalawa. Masakit sa 'yo, pero hindi natin alam sa kanya.
Dahil sarili mo yan, di ba mahalaga rin kung ano ang sa 'yo? Lilipas din ang lahat ng bagay na sa kanya diyan sa isip mo. Minsan babalik at makaka-LSS pa na parang kanta ni Sharon Cuneta. May mga pagkakataong masayang balikan ang lumang kanta.
Pero hindi mo kailangang tuluyang iwan ang sirkulasyon kahit nandun siya. Nabuhay ka naman bago ang lahat. Hindi rin naman one-way ang mga daan. Magksalisi o magkasalubong man kayo, marami kang bagong kanta at kakanatahan. Kahit hindi na siya at pinakikinggan niya ang sa iba.
squeezed by hesperidium at Friday, April 14, 2006
Thursday, April 13, 2006
Chippy
Sorry wala akong nasabi sa problema mo. Hindi ko man masabi sa 'yo, pero kung may magagawa lang ako, ginawa ko na. Kaya lang hindi natin hawak ang isip niya o ang mga pagkakataon.
Sorry kung nagtatanong ka. Yun na lang naman ang magagawa mo sa ngayon. Kung sasagutin naman, masasaktan ka. Kahit si robocop masasaktan sa sagot. Humingi ka ng sagot, yun lang din ang maibibigay sa 'yo.
Parang regalong alam mo ang laman pero gusto mo pa ring malaman ang nasa loob. Di mo na puwedeng isoli kapag nabuksan na. Isa pa, wala namang ibang pagbibigyan kundi ikaw.
Kahit iwan mo sa ilalim ng Christmas tree, matatapos din ang pasko. Itatabi na ang mga dekorasyon.Kinabukasan, magigising ka na lang na katabi mo ang regalo. Kahit di buksan, isang araw may makikialam din nyan. Kung di ang kasambahay mo, ikaw din mismo. Ang bahagi ng sarili mong gustong-gustong buksan ito.
Isa ito sa mga sitwasyon sa buhay natin na gusto mong makita pero ayaw mong malaman (o vice versa).
squeezed by hesperidium at Thursday, April 13, 2006
Wednesday, April 12, 2006
INC.*
i am a big disappointment to the universe and i hate thinking about it. but the fact haunts me every minute -- like a dysfunctional lightbulb, turning on and off and on again.
i don't want to stop believing that i can get through this. maybe i am a mediocre writer, more mediocre student and most mediocre person among the people i know. but if i content myself to being one, then i am more of a nobody than a nobody. if an incomplete grade should stop good grades then i have to forget my dreams. and if i stop getting past aspiring to be a writer then i have no chance.
if i don't become a writer, i won't have anything. i'll be nobody. i'll be nothing.
as reality stares at the moment, the only thought that comforts me is that maybe, just maybe, i can do this and someone out there thinks so too.
*forget grammar and syntax, malungkot ako.
squeezed by hesperidium at Wednesday, April 12, 2006
Sunday, April 02, 2006
Unloading
kaninang habang bumibira ang nanay ko sa pagbengga sa kin, nakakasama ng loob. malamang. pano ba naman, hindi ako pinayagang lumabas. bakit? dahil makalat daw ako. wag daw akong makalabas-labas.
samantalang yung isang anak niyang mega na ang pagkapathological liar, pinapaniwalaan pa rin. yung ba ang ugali pag andito si nanay at kung wala. kumusta naman sa multiple personality disorder. as in yung parang kontarabida sa soap opera. ganun. hindi na pinalalabas yun dahil sobra na ang pagkagala. ako ngang nasa maynila ni hindi makalabas papuntang mall para kumain or kumain at all for that. but nO! lumalabas pa rin. ang layo ng nararating.
galit-galit kunyari ang mudra pero ni hindi naman pinipigilan sa paglabas. tanggap lang nang tanggap ng kanyang mga pathetic reasons. samantalang ako na matapos ang buong sem e ngayon lang makapagsasaya, hindi pa pinayagan! anak ng kulugo! ayokong patulan dahil alam kong i am better than this.
ginagawa ko lahat ng makakaya ko para magpakatino sa acads. para may karapatan akong humirit ng gala o ng bagong ganito. para hindi nakakahiya. pero mas pinapaboran dito ang mga taong nagloloko na nga sa acads, nanakit ng magulang (yes, you heard it right), walang sinasanto at hindi nasisindak. yun ang binibili ng cellphone, may tv sa kwarto, may sariling extension ng telepono at bibilhan ng kung ano pang ihirit.
gusto ko lang naman lumabas kasama ang friends para makapag-unwind.isang araw lang. kahit pakunswelo de bobo na lang sa kin na hindi ako makahirit kahit na ginagawa ko naman lahat para magkaron ako ng karapatan. pero wala pa rin.
mas maraming bagay ang kailangang i-prioritize ko sa brain space ko kesa sa pagka-unfair ng nanay ko. hindi naman nakakain ang fairness. at hindi na ako nagugutom para dito tulad nang dati.
pero nalaman ko lang na may point ang mga structuralists (tama ba?). totoo ang binary oppositions sa mundo. at sa bawat opposition, merong mas favored. at kung i-iinterrelate mo pa ang psychology, mas favored ang mga taong may hitsura - in denial man ang mga taong inolved o hindi.
tama na, tama na. pero sa salamat sa blogs. na unload na rin to sa wakas. marami pa kong iisipin.
squeezed by hesperidium at Sunday, April 02, 2006