Tuesday, December 07, 2004

Pag Nabago Ang Luma at Naluma Ang Bago

Ilang linggo akong nag tyaga sa 1 cup rice kada meal para lang sa isang pares ng pangarap kong sapatos, yung kulay bazooka bubble gum. Akalain mo nga namang nang dumating ang pinaka aasam-asam kong pagkakataon - ang sapatos na pink sa king harapan, kulay beige ang binili ko.

May isang semester na rin akong nagsusulat, nag-iisip at natutulala dahil sa isang yosing nagpapanggap na tao (yuck, mushy). Isang linggo ko ring pinag-isipan at (akalang) napagdesisyunan na tigilan na ang kahibangang nabanggit. Akalain mo nga namang kanina, kung kailan di na ko nawawala sa direskyon pag namamataan ko sa malayo - nagkasalubong kami , napansin ko tuloy na bago yung polo nya at para na naman akong tren na nadiskaril sa riles.

Halos isang taon na tong blog ko. Ilang buwang archives na rin ang nandito. Isang linggo na kong nagpupumilit na maging "kabasa-basa" man lang sa ibang tao ang lecheng blog na to, kaya nga bumabalik pa rin ako dito sa abode para makagawa man lang kahit isang maayos na post. Akalain mo nga namang trenta minutos na ko dito dala ang mga ideyang halos amagin na, itong walang kapararakang kompsisyon ang mapopost sa blog ko para sa isang madlang hindi naman talaga magbabasa.


Sabi ko naman sa inyo, sa pasko ko na maayos to.
Abangan: Pano Maging Parasite Part I

No comments: