Monday, July 24, 2006

pumapatak na naman ang ulan

nabanggit ni sir paolo na may school of writing ang mga filipino writers kung saan inaassociate ang feelings sa panahon. either nirereflect ng panahon yung feeling ng persona or vice versa. basta something to that effect.

umuulan ngayon. mahina lang pero nangangagat ang lamig.

tangina. bakit ba kasi ako naniniwala sa law of conservation of energy. bakit naaassociate ko ang three year old feelings sa half-life. bakit sa napakaraming nang nangyari sa buhay ko at sa buhay mo (na muntik nang maging natin?) ganito pa rin, ganito pa rin.

para akong sinaksak sa tiyan ng four letter word na para sa kanya.

tangina talaga. buti pa ang ulan pumapatak. kung ako ang persona sa sinabi ni sir paolo, ang OA naman. tumigil na ang ulan sa labas pero binabagyo pa rin ang pakiramdam ko.

Monday, July 10, 2006

Wala Akong Point Pero Parang Meron

Ang 'Brave New World' ni Aldous Huxley Part II

Naalala ko bigla ang linya sa kanta ng Hanson: "When you live in a cookie cutter world, being different is the same." Sa lagay ni Bernard, parang siya yung cookie dough na aksidenteng nayupi bago i-bake. Yun tipong, legal ang polygamy (at illegal ang monogamy) pero halos di siya nakikipagdate. Legal ang drugs (soma ang tawag nila) para sumaya pero kailangan pa siyang pilitin. Aware siya sa mga ideolohiyang napre-condition sa mga katulad niya at nakakapag-isip siya nang labas doon.

Habang nagbabasa ako, naisip kong ang sexist,racist at marami pang -ist ang kwento (mga character,sitwasyon at pwede rin mismong si huxley). Sabi sa blurb ng libro, satire daw ang nobela.Kaya siguro puno ng '-ist'. Pero satire ng ano? Maraming pwedeng issue: perfection, technology, collective thinking, civilization,family, roots, future at iba pa.

Gusto kong isipin na isang stand tungkol sa perfection ang Brave New World. Kahit nakakasakit ng ulo, ang hirap hindi isipin ng mga linyang "if nobody's perfect, how come practice makes perfect?". Kung iuugnay sa cookie cutter world na sinasabi ng Hanson, lalo lang magiging cyclic ang mga bagay. Human goal ang perfection, lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa buhay. Kaya nga may mga doktor at mga nag-iimbento ng kung anu-anong gamot at gamit para mapadali ang pamumuhay at mapahaba ang pagiging buhay. Pero achievable ba talaga ang perfection? Sabi sa dictionary, ang 'perfect' ay complete and whole, at utter or absolute. Hindi naman sa pagiging humanist pero sa pag-alter ba ng mga bagay, nakukumpleto ba sila? At kung makumpleto man, nagiging absolute ba?

Hindi ako masayadong fan ng absolutism. Hindi rin ako magaling sa philo kahit pa parang kanina pa ako nagphi-philosophize. Pero sa palagay ko,hindi imposible ang Brave New World. Kahit na de numero na ang takbo ng buhay, may kukuwestiyon na Bernard Marx na makakadiskubre ng isang savage na nagngangalang John. Sa huli, darating sa puntong mawawala ang lahat sa bilang nang walang nakakaalam.

Pano kaya kung Alpha Double Plus Ako?

Ang 'Brave New World' ni Aldous Huxley Part I

Isa sa mga dahilan kung bakit ako napadpad sa scifi, bukod sa unrealistic para sa normal na setting ang mga naiisip kong mga cirumstance (whew, habang paliwanag), frustrated lang talaga akong maging einstein slash astronaut. Sa madaling sabi, pinangarap kong maging henyo sa larangan ng siyensya. At dahil nga sa law of conservation of energy (na gusto ko lang i-apply kahit sa usapin ng emosyon), hindi naman talaga mawawala yun-- nababawasan lang o nagbabago ng anyo.

Napag-alaman kong biologist ang sumulat ng nobela. Kita naman yun sa pagimbento niya ng mga termino (kahit hanggang ngayon wala pa rin akong kongkretong kahulugan ng 'freemartin').

Tungkol ang kwento sa siyempre, bagong mundo. Manufactured na ang mga tao. Kumpleto ang buong quality control. Pinapalaki sila sa bote, ine-engineer ang physical, social, intllectual at emotional well-being, hinihiwalay sa social classes at ang bawat class, may kani-kanyang set at limitasyon ng mga pwede at hindi pwedeng gawin (mula trabaho hanggang pakikisalamuha sa ibang tao). Nasa pinkamataas na posisyon ang 'world controllers'. Pero iba pa yun sa Alpha Double Plus (mga halimaw sa galing. bumabalik ang genius wannabe kong sarili) hanggang Gamma Semi-Moron at ang mga 'savage'. Mahalaga ang tao bilang bahagi ng isang mas malaking komunidad, kaysa bilang indibidwal. Diskriminado ang mga mapag-isa.Kaya sa palagay ko, si Bernard Marx ang bida. Nasa Alpha plus siya, at eksperto sa emotional engineering pero indibdwal siyang mag-isip kahit na minsan, nadadaig pa rin ng epekto ng kanyang chidhood neo-pavlovian conditioning.

The Bookshelf and Other Ghosts

I went home last friday and my mother gave me a surprise: a bookshelf.

Certain memories came back. The black boots, the jumper and the first megamall trip. Childhood things I wanted but never had and even if I can have them now the feeling will not be the same anymore.

The minute I saw my new bookshelf,Ifelt as if I had all those things I wanted the very moment I wanted them. Okay, so maybe I'm going a bit overboard. But childish happiness has always been a big thing for me.

My new bookshelf is not new. In fact, it is pretty much worn out (c/o the medical student who once owned it). But hey, i like the shabby chic look. So there it was, nostalgia standing between me and the 3foot wide,four-layered shelf.

Now, it is inside my room. I can't help but arrange and rearrange my books in it and think about filling the empty spaces in the near future. And with that, I vowed to myself that this will not add up to the growing list of my post-childhood frustrations.