Wednesday, October 06, 2004

Pangalan

Huwag mo akong tingnan
Sapagkat bawat titig mo'y sapat
Upang tuluyan akong mabura sa paningin.
May mga tingin na di nakakakita.
May mga pagtawag na walang laman.
Ang pagsambit sa aking pangalan
Ay di patunay ng pagkilala mo.
Kailanman, ang tinig mong
tumatawag sa akin
Ay di patunay na nabubuhay ako
sa iyong isipan, sa iyong harapan.


2 comments:

Anonymous said...

testing lang..

Anonymous said...

wow! laki! quel toh. huwag mo ako tingnan, ang ganda mo (sa salamin pala ako nakaharap)