Tuesday, December 20, 2005

Bagong Tasà

Hindi ako gumamit nung pantasang de ikot. Hindi rin ako gumamit nung pantasang kamay ang mag-iikot sa lapis. Sinubukan kong gumamit ng cutter, o kaya naman kutsilyo pero wala akong panahong makipaghanapan sa kanila. Kaya tingnan nyo naman ang nangyari - ngipin ang napagdiskitahan. Yun lang kasi ang nandyan. Anong masasabi mo sa bagong tulis na ito? (Bago katayin, paturo naman kung pano hiwain...salamat.)

Friday, December 09, 2005

Ilang Talang Patapon

sa malayong kawalan,
naiwan ang laman;
malapit nang pagpyestahan
Ng buwitreng daraan.

-----------------------------------

Sa mesa'y inihimlay,
ang tasang nangangalay
sa mga halik ng lumbay
Na pait ang kasabay.

At kutsara'y nahulog,
alingawngaw ang tunog;
Kapiling na natulog
ang lamig na dumulog.

-----------------------------------

himig ma'y mapupulot
sa tinig na nagdulot,
'pag awit ay naudlot,
hindi na mahahablot.

Sunday, August 28, 2005

Happiness is Not Here

It is when times like these that I would really appreciate you being around.


You are the creamer in my coffee life, balancing out its extreme bitterness. You are that extra kick of sugar that wakes me up, reminding me every now and then that I am far from the end of my sea of things to do.



You were always the one to accomplish things first and I was always the last. All those times, I haven't given up just because of the fact that you were there, waiting for me to finish until you decided to sleep. And even when you already left for bed, I struggle to move on because, though I have never told, you inspired me in more ways than one. Then again the scenario was often like this: you finish first and sleep last, and I, the other way around, sleep first and putting up work for the early morning hours. Yet I had been able to untangle myself from the web of work and precious time for so many times because I was waiting for you to wake up and ask me how's my cramming going and then we go to the same class afterwards. I guess, you had been some kind of divine interference to my laziness that stretched every haunting second waiting to catch me on deadlines. I made it out alive often and I could never thank you enough for being there to celebrate or to mourn with me.


Ever since I left, I guess we had our new, separate lives. It has been good for both of us since we wanted to be where we are right now. But good cannot always be equated to happiness. I know you are happy. But as for me, I am just starting to fit myself in a new life. Sooner or later I can come close to the amount of happiness and contentment from the choices I made like the ones you have right now. And I can't wait for that, especially now that I am dealing with this fear that we are growing apart. Yes, no matter how much we deny or try to deny, we are growing apart. I am scared of losing every connection we have. I am scared of running out of words to say and stories to tell in case we meet again. I am scared of finding out one day that we are just two people who had been friends. But really, I am just scared of losing you. I am still standing here because you have walked with me through life in a couple of semesters, which is by the way, an awfully long time. If it is only true that fear itself is the only thing to be afraid of, then I am happy to be wrong.


Now that I have yet again traded sleep for coffee, silence of early morning and brain cells pulsating to cram, I look around and realize that this is another web of work and precious time I have to untangle myself from. I guess you're not going to get out of bed any minute now, ask me how my cramming is and go with me to the same class with me afterwards. I just wish that you would, even just for a second.


It is during times like these whe I do hate the fact that you cannot be around.





(musta naman ang grammar? tagal ko nang di nakasulat sa english.)

Monday, July 25, 2005

Isang Gabi Sa Loob ng Puting Bahay

Nasa isa tayong police encounter sa loob ng puting bahay kagabi. May babaeng medyo mataba na mukhang lesbiana ang nagtatago sa ikalawang palapag. Mabilis na nanguna ang mga pulis, inakyat ang babae at tinutukan ito ng baril. Pumunta naman ang babae sa isang silid at nagtangkang harangan ang isang cabinet na may dalawang pintuang nakakadena ang mga hawakan. Kundi ba naman siya isang malaking hangal. Syempre di naman din ganun katanga ang mga pulis at nahuli rin siya matapos ang ilang minuto nitong pagpupumiglas. Inalis na sa eksena ang babae.


Binaklas ng isang officer ang kandado't kadena ng cabinet. Hinalungkat niya ang mga gamit sa loob. Binaligtad ang mga t-shirt na puro kulay puti. Nang di makita ang hinahanap, binuksan naman ang mga drawer sa bandang kanan. Hinawi niya ang mga plastik at kurdong nakakakalat sa loob nito. At doon, tumambad ang iyong munting kulay pilak na katawan. Buong-buo ka pa rin, mula screen hanggang ang kakaiba mong kwadradong buton sa ilalim nito. Inabot ka sa akin ng pulis na di ko na rin maalala ang mukha sa ngayon. Sa wakas nagkita na ulit tayo.


Binalot ko sa iyo ang aking mga daliri na para bang wala nang ibang makakahawak sa yo kung hindi ako. Sinabi na nga bat kaya hindi ako lubusang nawalan ng pag-asa sa pagkawala mo. Babalik ka pa. Tiningnan kita nang buong saya at kinurot-kurot ko na rin ang aking pisngi habang nakapikit para masiguradong hindi ako nanaginip. Minulat ko ang aking mga mata. Nasa kamay pa rin kita. Isang laksang sama ng loob at iba pang mabibigat na pakiramdam ang tumakas sa king dibdib. Dumating na rin ang isang mapalad na araw na pinakahihintay ko mula pa noon sunud-sunod na kamalasang inabot ko pagsapit pa lang ng Hunyo.


Bumukas ang pinto ng kuwartong kinalalagyan natin ng mga pulis. Matinding liwanag ang nagpakita sa likod nito.


Wala naman na talagang mga pulis na makakatulong pa sa pagkawala mo. Wala naman na talagang ganoong enkewentrong mangyayari para lamang makuha ka pa. Ang meron lang ay ang umagang sing linaw ng liwanag na lumabas sa pintuan, na gigising sa kin mula sa isang masamang panaginip. Isang katotohanan ang sumalubong sa king pagmulat: hindi na tayo ulit magkikita.

Sunday, April 24, 2005

Rambutan

May ibang tao,
pinpukpok pa ito para mabuksan.
Di niya alam,
pipisilin lang sa daliri
ang malalambot na krayom nitong balat.
Hihigupin agad ang sabaw sa loob nito,
at sa ibabaw ng kamay na nagbukas.
Mas maganda kung tuklapin.
Maihihiwalay sa buto
ang malamig nitong laman
na siyang pupukaw sa uhaw
ng ngiping ngumunguya dito.


Nunit higit sa lahat,
ang pinakahihintay ko
sa bawat balat at buto
na pupuno sa aming plastik na puti -
ang mga maiiwang ngiti
ng mga matatamis na bibig
at mga daliring nagsasalu-salo
sa metaporang iniwan nito
habang nakahain sa gitna
nitong bilog naming binubuo.

Saturday, March 26, 2005

Kwerdas Patatas

Ikaw,


Hindi ko alam kung paano 'to sisimulan pero gagawin ko na rin. Alam mo bang sa tuwing sumusulat o tumutugtog ka ng sarili mong kanta o kahit sa iba, pinipikit ko ang aking mga mata? Pinakikinggan ko ang bawat linya na para bang inaalay mo sa akin ang bawat nota (kahit alam nating hinahabi mo lang ang mga ito para sa pakikinig ng mga dyosa). Tuwing kumukumpas ang hangin sa saliw ng iyong pagtugtog, pati diwa ko'y natatangay na rin,hanggang sa makalimutan kong isa lamang pala akong mortal - namumulot ng tira-tirang himig na nahulog mula sa langit. At sa pag hagod ng pinagdugtong-dugtong na tunog sa aking tenga, alam kong patapos ka na naman ng panibagong kanta.


Ako.

Sunday, February 27, 2005

Random Thoughts in Taglish


I think I'm one of those people who refuse to grow up. No, not because I'm always mistaken as a freshman student or that I still watch cartoons. Maybe it's because I don't know how i will deal with things that 'adult' life has to offer - jobs, romantic relationships, money matters, etc. I like things the way they are for me right now. I like my messy, unorganized yet happy, academic kind of life as of the moment (wow, grammatically correct pa ba to? ). But eventually (and hopefully) I will have to graduate, get a job, take care of my parents and sisters and all that. Yes, like everyone else, I will grow up. But hey, I still officially have 2 years of student life. I just wish I can make the most out of it.



Ok, tama na ang english englishan. Ano nga ba ko ngayon? Basta, isa lang akong normal na estudyante na walang ibang pangarap kundi ang maging isang manunulat. pwede na rin maging prof sa uplb pero ibang kwento na yun. Isang malaking problema: hindi na naman ko nagsusulat. bakit ang tamad ko ngayon, bakit?! marunong pa ba ko? hay nako, wag kayong maniwala sa mga testi. pero promise, magbabagong buhay na ko. magsusulat na ko ulit. sasama na ko sa morning walks. para bago man lang ako mamatay, masasabi kong mamamatay akong sinusubukang maabot ang pinakamatindi kong pangarap (naks, drama!).



tama na tong kalokohan na to. pagkabasa nyo nitong tungkol sa kin at kaibigan nyo pa rin ako, salamat ng marami. :)



(p.s.: at kung ikaw si bambam o grammar sensitive na tao, message mo na lang sa kin yung corrections. i'll be happy to edit this para sa yo)

Tuesday, January 11, 2005

Unblocking

Wala akong masulat. Sabi ni Sir Dennis di daw totoo yung writer's block. E anong tawag nya dito? Kahit isang metapora di ako makagawa. Ni isang maiksing tula di ko man lang mailagay sa papel. Eto ba ang taong nangangarap maging writer, hindi nagsusulat?


Bakit nga ba ko nagkaganito?


Maraming dahilan; Maraming akala, mga akalang merong tayong koneksyon (kahit invisible lang.) Matagal ko ring inisip kung may mapapala ba ko sa pag-isip sa yo sa gabi, sa pagtanong-tanong ng mga bagay tungkol sa yo sa mga kaibigan mong kaibigan ko rin. Halos mamaga nga daliri ko kaka hanap ng pinakabago mong post sa friendster para lang may malaman akong bago sa 'yo. Yun pa rin ang malaking tanong, may napapala ba ko? Wala. Hindi talaga pwedeng lumikha ng mga bagay mula rin sa wala. Dahil sa totoo lang, wala naman tayong koneksyon. Nasobrahan lang siguro ko ng nood ng mga korean melodramas at nahawaan na ng paniniwala sa destiny. Ayoko nang kilalanin ka sa pamamgitan lang ilang mga tanong na di ka naman seryoso pag sinasagutan mo. Ayoko na ring mag-flood ng bulletin board. Titigilan ko na muna siguro ang panonood ng korean movies, nakakahilo na ang pagbabasa ng mga subtitles. Tama, isa ka lang subtitle sa linguahe buhay ko. Ayaw na kitang basahin. Marami pa kong salitang dapat matutunan.


Yan, may nasulat na ko. Tama nga si sir. Sabihin mo lang na wala kang masulat, may masusulat ka na. Tinanggal ko lang to sa isip ko. Sa susunod, hindi na ko magsusulat ng tungkol dito.